<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/419275237529682751?origin\x3dhttp://seereenna.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
seereenna @blogspot.com ♥
Saturday, September 13, 2008

second life?!
i consider my life now as my "second life" after what happened this morning......

nagdedisyon akong pumasok ng alas siete ng umaga than my regular shift na 8 am sa trabaho dahil may church activity kami ng 5 pm. nagcommute lang ako dahil di ko na naabutan ang shuttle namin. malelate na ako dahil naghintay ako ng jeep ng matagal sa sakayan. ang buong focus ko ay sa oras dahil late na ako. pagbaba ko sa jeep dire-diretso ako sa pagtawid sa highway. ng bigla na lang na may bumubusinang sasakyan sa harap ko. di ko ito napansin habang tumatawid. sabi nga ng drayber "bakit ka kasi tumawid", bakas sa mukha niya ang magkahalong takot at relief na walang nangyari sa akin. ang nasabi ko lang ay "sori po..". nang naisip ko kung ano ang maaaring nangyari sa akin nanlambot ako. parang di ko maihakbang mga paa ko. lalo na nung napansin ko na huminto pati ung jeep na sinakyan ko, nakatingin ang mga pasahero at ang mga construction workers. naimagine ko ang sarili ko na nabangga at duguan habang isinusugod sa hospital. ngunit bakit di ito nangyari???? bakit nakapagpreno ung drayber at nakatawid akong ligtas??? dahil alam ko na nandoon ang proteksiyon ng Panginoon. alam ko na ang Kanyang mga mata ay nakatingin sa akin at binabantayan Niya ako. Salamat sa Panginoon!!!

ikinuwento ko ito sa mga kasama ko sa trabaho. iba-iba ang kanilang naging reaksiyon. ngunit ang pinakatumatak sa akin ay ito: hindi pa Siya tapos sa Kanyang layunin para sa akin.

Labels: ,